IBINAHAGI ng Kapamilya star na si Kim Chiu kung gaano siya ka-grateful sa mga blessings na natatanggap niya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan.
Kahit sunud-sunod na aberya, controversies at pamba-bash ang nangyari sa kanya ngayong 2020 ay nalampasan niya ang itong lahat at nananatiling matatag.
Bago pa man dumating ang pandemya dulot ng COVID-19 ay nalagay na sa alanganin ang kanyang buhay dahil sa isang ambush incident.
Sa programa ng ABS-CBN na “Paano Kita Mapapasalamatan” hosted by Judy Ann Santos, ikinuwento ni Kim ang tinamo niyang panglalait at pambibintang na gawa-gawa lang daw niya mismo ang pananambang sa kanya.
At ang next big issue na kinaharap niya ay nu’ng maglabas siya ng kanyang saloobin sa social media protest bunsod ng biglaang pagpapasara sa ABS-CBN matapos lumabas ang Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunications Commission.
Ito yung makasaysayang dialogue niya tungkol sa “classroom rules” at ang sikat na sikat na ngayong “bawal lumabas” punchline.
Sobrang na-bash si Kim dahil dito na naging rason ng kanyang depression. Naisip daw niya na mag-quit na lang sa showbiz at manirahan sa ibang bansa.
Pero may isang netizen ang nagbigay payo kay Kim na gawing positibo ang lungkot na pinagdaraanan.
Ang name ng netizen na nagpadala ng open letter kay Kim sa social media ay si Adrian Crisanto, a branding officer. Siya ang nag-encourage kay Kim na make something positive sa mga negatibong sinasabi sa kanya.
Thus, the birth ng matagumpay na kanta niya titled “Bawal Lumabas” na naging simula rin para maisip ni Kim na gumawa ng merchandise out of her song.
Kaya naman niregaluhan ni Kim si Adrian ng very symbolic na white headset. Ito ang napiling ibigay ni Kim kay Adrian dahil “pinakinggan” daw niya ang payo ng brand officer.
Or else, baka kung ano na ang ginawa ni Kim, di ba?