NAGLAAN ng 16 na bus stop ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Edsa para sa mga pasahero.
Inaasahan ang bahagyang pagbigat sa daloy ng trapiko sa Edsa dahil sa karagdagang mga bus stop kasabay ng operasyon ng mga P2P buses.
Kabilang sa mga bus stop ay ang MCU Bagong Barrio
Royal; Balintawak; Kaingin; Roosevelt;North Ave.; Quezon Ave.; Q Mart; Main Ave.; Santolan; Ortigas; Guadalupe; Ayala; Taft ; Pasay.
Nilinaw ni MMDA spokesperson Celine Pialago na wala pang ilaw at concrete barriers ang Ilan sa mga designated bus stop na inilaan ng ahensya.
Ayon kay Pialago, hinihintay pa ang 36,000 concrete barriers na ide-deliver sa susunod na linggo na ilalagay sa mga designated bus stop mula monumento hanggang PITX.
Kumpleto na rin umano ang mga signages sa North at South bound lane ng Edsa kung saan bababa at sasakay ang mga pasahero.
May mga markings na rin inilagay ang MMDA kung saan pipila naman ang mga pasaherong sasakay ng bus, ayon kay Pialago.
Dagdag pa ni Pialago na 30 bus unit ang inisyal na idi-dispatch mula Monumento hanggang Quezon Ave at PITX.
Tiniyak din ni Pialago na walang magiging pagtaas sa pamasahe.
Nagsasagawa rin ng inspection ang MMDA at mga kinatawan ng DOTr para mag-obserba sa mga bus drivers kung sumusunod sila sa social distancing sa mga pasaherong sasakay batay na rin sa Health protocols na ipinatutupad ng Department of Health (DOH).