GRABE naman ang ilang detractors ni Claudine Barretto! May sakit na nga ang aktres, pero puro panlalait at pang-ookray pa rin ang ibinabato nila sa nakahiwalay na misis ni Raymart Santiago.
Kahapon kasi ay nabalita na isinugod si Claudine sa ospital dahil sa kanyang “chronic urticaria,” isang grabeng allergy sa balat. Pero sa halip na maawa o makisimpatya ang ilang Twitter at Facebook users sa aktres, kung anu-ano pang pang-aalipusta ang pinagsasabi nila.
Kesyo umaarte na naman daw si Claudine, nagpapapansin, drama queen at kung anu-ano pang masasakit na salita. Kayo talaga, mukhang totoo naman ang dinaramdam ni Claudine, kayo kaya ang magkaroon ng grabeng allergy!?
Sa Instagram account kasi ni Claudine, ipinakita roon ang picture niya habang nakaupo ito sa isang hospital bed habang isang nurse naman ang nagtuturok ng karayom sa kanyang kanang braso.
Tinamaan daw kasi ng “chronic urticaria” ang aktres, isang allergy na mahirap gamutin, aabot daw ng anim na linggo bago ito magamot.
Ayon sa isang medical website, “Urticaria can be a manifestation of many conditions and illnesses, rather than one illness. Current research has shown that up to half of all CU is autoimmune, which means your body is making antibodies against itself, resulting in activation of basophils and mast cells.”
( Photo credit to Google )