Interoperability sa toll collection patuloy

PATULOY umano ang programa ng Department of Transportation upang pag-isahin ang toll collection system ng iba’t ibang expressway sa Luzon.

Noong 2017 sinimulan ang Toll Collection Interoperability project para magkatugma-tugma ang mga sistemang gagamitin sa toll collection.

Sa Phase 1 ng programa, gagamitin ang Radio Frequency Identification (RFID) technology upang mabasa ang Autosweep tags na ginagamit ng San Miguel Group sa Easytrip System.

Ang Autosweep ay ginagawa sa Skyway, SLEX, STAR Tollway, TPLEX, NAIAx, at MCX samantalang ang Easytrip System ay para NLEX, SCTEX, Cavitex, C5 Southlink, at CALAX.

“This will allow motorists to seamlessly use their RFID tags issued by a toll road operator at the toll plaza of another operator upon completion of registration.”

Ayon sa Toll Regulatory Board hanggang noong Mayo ay mahigit 700,000 Autosweep RFID tags ang kuwalipikado ng magrehistro.

Sa ilalim ng Phase 2, ang Easytrip RFID tags na ibinigay ng Metro Pacific Group ay dapat maaari ng magamit sa Autosweep System.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na kailangan ng gobyerno ang tulong ng pribadong sektor upang maisakatuparan ang programa.

“We are grateful to our private partners who have always demonstrated their unparalleled support in this project. We need their assistance to fast-track the needed measures in order to fully implement toll interoperability. Hindi ‘ho namin ito kakayanin mag-isa. Tulung-tulong ‘ho tayo muli at dahil sa kinakaharap nating krisis, kailangan nating bilisan,” ani Tugade.

Read more...