Empleyado nagpositibo sa COVID-19, LTFRB Central Office sarado bukas

COVID

SARADO ang central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board bukas (Hunyo 29).

Ipagpapatuloy bukas ang disinfection ng tanggapan sa Quezon City na sinimulan ngayong araw.

Isang empleyado ng LTFRB ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019. Sumailaim sa test ang 313 empleyado.

Nilinaw naman ng LTFRB na ang central office lamang ang pansamantalang sarado.

Ito ang ikalawang rapid testing sa mga tauhan ng LTFRB mula ng isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila. Walang nagpositibo sa unang test.

Dahil sa suspensyon, hindi muna tatanggap ang ahensya ng dokumento at iba pang transaksyon.

Maaari namang mag-online transaction (https://www.facebook.com/pg/ltfrb.central.office/posts/?ref=page_internal) para sa:

1. Request for Special Permit;

2. Correction of Typographical Error;

3. Request for Confirmation of Unit/s;

4. Request for Franchise Verification;

5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;

6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status

Read more...