3 huli sa P136K shabu

Arrested

ARESTADO ang tatlo katao na nakuhanan umano ng P136,000 halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Arman Aldea, 38, pedicab driver, Maiza Rosales, 31, at Bernald Samson, 51, ng Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa mga suspek alas-4 ng hapon sa Sta. Isabel st., Brgy. Gulod, Novaliches.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P10,000 halaga ng shabu.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ang mga suspek ng 20 gramo ng shabu.

Read more...