Enrollment sa public schools kailangang i-extend
HINILING ni ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Education na i-extend ang enrollment sa pampublikong paaralan.
Ayon kay Tulfo 15 milyon pa lamang sa inaasahang 27 milyong enrollees ang nakapagpa-enroll na hanggang noong Hunyo 27.
Hiniling ni Tulfo na i-extend ang online enrollment, remote enrollment, at drop box enrollment hanggang Hulyo 15.
“Nangangamba po ako na kung tatapusin na agad ng DepEd ang enrollment sa June 30, milyung-milyong mga bata ang magda-drop out o titigil sa pag-aaral sa darating na school year. Sa K to 12 pa lamang iyan. Hindi pa kasama ang milyong iba pa na baka tumigil sa pag-aaral dahil sa kawalan ng trabaho at pagbagsak ng mga negosyo,” ani Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na kapag marami ang hindi nakapag-aral ay tataas ang bilang ng mga mahihirap at matagal bago makabawi ang bansa.
“Failing to help the education sector now would have a crippling impact on our economy and it could ripple through decades and generations,” saad ng lady solon. “Over 10 million students dropping out of school now would be a crisis that would mean more poverty for Filipino families in the years to come and would deal a severe blow to the country’s economic recovery.”
Dapat din umanong bantayan ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo na hindi na makakapagpatuloy sa pag-aaral.
“Millions of college dropouts would erase much of the free tertiary education gains achieved prior to the pandemic. The human resource impact on business and industries would be felt just months from now, worsening the unemployment situation.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.