NAGDADALAMHATI ngayonang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng legendary movie icon na si Ramon Revilla, Sr. o Jose Acuña Bautista in real life.
Habang tinitipa namin ang column na ‘to, nakahimlay na sa loob ng Revilla Mansion sa Gen. Aguinaldo Highway sa
Bacoor City, ang labi ng Revilla patriarch.
Sa Facebook Live ni Sen. Bong Revilla, Jr. kahapon, makikita papasok pa lang ng compound papunta sa Revilla mansion ang napakaraming mga bulaklak mula sa mga kapamilya at kaibigan ng pamilya.
Sa loob ng mansion ay nakahimlay na ang labi ng dating senador habang kinukunan ni Sen. Bong through his camera phone.
Kaka-celebrate lang ni Don Ramon ng kanyang 93rd birthday last March 8, a week bago magkaroon ng lockdown sa Metro Manila at ilang lugar sa probinsya.
Napanood namin ang selebrasyon ng 93rd birthday ni Don Ramon sa video na nasa Facebook account din ni Sen. Bong.
Mukhang malakas pa rin siya at maganda ang histura for his age sa napanood naming video. At may part doon na sinabi ni Don Ramon na malinaw pa rin ang kanyang paningin despite his condition.
Sa katunayan, binabasa pa niya ang ilang menahe sa comment section habang nagla-live sa kanyang FB page si Sen. Bong.
Anyway, during his 92nd birthday, mapalad kami na naisama ng talent manager-showbiz columnist su Manay Ethel Ramos sa party for Don Ramon na ginanap din sa Revilla mansion.
Pero huli naming nakita at nakadaupang-palad si Don Ramon ay sa Resort’s World noong binigyan siya ng parangal sa ginanap na Star Awards for Movies last year.
Umoo talaga si Don Ramon na a-attend siya sa awards night weeks ahead. And that was his first public appearance sa isang malaking event sa showbiz after a long time.
Sa naturang event nga pala ay nakasama niya sa stage ang yumao na rin na si Eddie “Manoy” Garcia at ang naging leading lady din niya noon na si Gloria Romero.
Mula sa amin, isang taos-puso pong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na naiwan ni former Sen. Ramon Revilla, Sr..
* * *
Isang madamdaming mensahe naman ang ibinahagi ng apo ni Don Ramon na si Vice-Governor Jolo Revilla para sa kanyang lolo.
“Daddy Ramon,
“Mabigat at masakit man sa amin ang iyong paglisan, panatag ang loob namin dahil nasa isang lugar ka na kung saan hindi ka na mahihirapan.
“Nagpapasalamat ako dahil lalo pang lumalim ang relasyon nating dalawa nitong huli. Sa halos araw-araw na pagbisita namin sa iyo, nakita ko kung paanong sa kabila ng iyong naging karamdaman, kami pa rin ang inaalala mo.
“Nabigyan mo ng pantay-pantay na pagkakataon ang mga anak mo na makaharap ka. Nakita ko rin kung paanong hanggang sa huli ay lumaban ka. Alam kong magiging masaya ka na ngayon sa piling ni Mommy Cena.
“Daddy, salamat sa lahat ng aral – lalo na ang halimbawa ng pagmamahal mo sa bayan. Sobra ang paghanga ko sa iyo dahil sa malasakit mo sa ating mga kababayan. Napakarami mong tinulungan, inalagaan at inaruga.
“Salamat din dahil dala dala ko ang iyong pangalan. I will take care of it the way you did yours. Mami-miss ka namin ng sobra. Rest well, Daddy. We love you!”