BILANG bahagi ng pagtupad sa kanyang Father’s Day promise sa madlang pipol, magbibigay ng laptop si Kris Aquino sa ilang masuswerteng pamilya.
Sa kanyang Instagram post, ibinalita ng TV host-actress na magbibigay siya ng walong 2 in 1 laptop sa mapipili nilang walong magulang na maglalahad ng tungkol sa kanilang mga anak.
“Lahat ng magulang ang hangarin mapagtapos sa pag-aaral, maging maganda ang kinabukasan, at maging masaya ang mga anak nila. Yesterday, i could really feel the LOVE & GUIDANCE of my parents,” simulang mensahe ni Kris.
“From my Father’s Day post: COME WHAT MAY, ano man ang PAGSUBOK, GAGAWIN ko ang makakaya ko para tumulong sa kapwa para MAKABANGON tayong muli… i have read your requests kaya pinag isipan ko at nagawan ng paraan.
“Effective po ang promo ng Shopee sa Wowowin. Sa kanila ako nag order ng 8 na 2 in 1 laptops. Earliest delivery will be June 29...
“Homeschooling ngayon, i want to invest in the FUTURE of the Philippines. Para ito sa kinabukasan ng ating mga anak- helping their EDUCATION.
“Please FOLLOW me and LIKE this post both on IG & on FB. Kwentuhan nyo ko tungkol sa mga anak ninyo… My @cornerstone family will help me choose sino ang 8 families ang makaka-receive ng 2 in 1 laptop.
“I’ll go live on July 1 to announce the winners and sana makausap ko kayo. #ParaSaKinabukasan,” bahagi pa ng caption ni Kris sa kanyang IG post.
Nitong nakaraang Father’s Day, inalala ni Kris ang amang si former Sen. Ninoy Aquino sa pamamagitan ng isang video kung saan makikita ang pag-uusap nilang mag-ama noong 9 years old pa lang siya.
Caption niya sa video, “Taken from our departure on May 8, 1980 for the US for my dad’s triple heart bypass surgery followed by our 3 years in Boston.
“Opo, ganun ako ka ‘confident’ na bata, at just 9 years old may ‘binibilin’ ako sa Dad namin na mga dapat nyang gawin… marami nang nagsabi (my mom included) that i really took after my dad at ako ang female version nya…
“I have matured enough, would you believe i am now just 1 year younger than he was when he was assassinated in 1983, for me to realize i have so much more to learn: humility, self sacrifice, and the willingness to serve with every drop of my blood before i can truly be worthy of that compliment.
‘BUT i share with both my parents an unwavering LOVE for the Philippines and Filipinos, come what may, ano man ang pagsubok, mahal ko ang bayan natin at gagawin ko ang makakaya ko para tumulong sa kapwa para makabangon tayong muli. That is the best Father’s Day gift i can give Ninoy Aquino,” mensahe pa ng Queen of All Media.