92-anyos na lola patay sa sunog

NASAWI ang isang 92-anyos na babae nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay, sa Daraga, Albay, kaninang madaling-araw.

Pinaniniwalaang na-trap sa loob si Estelita Arana, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Naganap ang sunog sa bahay na nasa Purok 1, Brgy. Burgos, dakong alas-2:30.

Naiulat ito ng isang residente alas-5, at agad itinimbre ng lokal na pulisya sa Bureau of Fire Protection.

Nagdeklara ang mga taga-BFP ng “fire out” alas-5:30.

Inaalam pa ng BFP at pulisya ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsalang dinulot nito sa ari-arian.

Read more...