Pari todas sa aksidente

NASAWI sa aksidente sa kalsada ang isang pari sa Zamboanga.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), pumanaw si Fr. Alfredo Alabado, 54 at parish priest ng Our Lady of Fatima Parish hatinggabi ng Huwebes.

Nagtakda ng public viewing para sa mga labi ni Alabado sa St. Michael The Archangel Chapel mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi at alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

Magdaraos naman ng novena prayer araw-araw hanggang June 28 pero hindi na ito bubuksan sa publiko bilang pagsunod sa guidelines ng IATF.

Maaaring makilahok sa novena sa pamamagitan ng Facebook streaming.

Read more...