Jon Lucas tinamaan ng COVID pero naka-recover agad: Ang Panginoong Diyos ang nagpagaling sa amin! 

NAG-POSITIVE sa COVID-19 ang Kapuso actor na si Jon Lucas matapos sumailalim kamakailan sa rapid test.

Ito ang dahilan kaya na-confine siya ng tatlong araw sa ospital kung saan muli siyang nagpa-COVID-19 test.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng “Descendants of the Sun” actor ang pinagdaanan niya matapos ang ginawang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test sa kanya.

“Three days ako nag stay sa NEGH (New Era General Hospital) . Kasi doon sa rapidtest ko nag positive ako.

“Opo alam naman natin po at ng karamihan na hindi siya accurate para madetect yung virus. Minsan daw kahit negative ka pwede ka mag positive. Minsan naman daw positive ka pero negative ang lumalabas,” simulang kuwento ng aktor.

“Ang lumabas don sa result ko ’29 days onwards recovery’ parang papagaling na yung infection sa katawan ko. Meaning parang dumaan lang siya,” dagdag pa ni Jon.

Inamin ng Kapuso hunk na nakaramdam siya ng ilang symptoms ng COVID-19 bago siya nagpa-test, “Pero aaminin ko may mga times na inuubo ubo ako at nilalagnat. 

“Pero dahil nga marami rin tayo ganap kahit nasa bahay lang, iniisip ko na lang na baka pagod lang ako.

“Tsaka syempre nawawala wala po agad dahil nga tayo ay may gabi gabing pagpapanata sa Panginoong Diyos.

“Ayun hanggang nung Lunes nagpatest na ako sa NEGH yun nga ang lumabas may past infection ako.

“Kaya naadmit ako sa NEGH hanggang sa dumating yung result ng Swabtest ko. [Mas kayang madetect ng swab si Covid] 2-3 days bago lumabas yung resulta.

“Ayun tapusin ko na, sa awa at pagmamahal ng Diyos. Yung mga kasamahan nating 14 days 19 days ng andon. Kasama ko sila kagabi na natanggap ang resulta na ako po ay NEGATIVE sila naman po ay RECOVERED na mula sa sakit na yan.

“Hindi vitamins ang nagpagaling sa amin! Kundi ang Panginoong Diyos na pinakamapangyarihan sa Lahat!”

Pagpapatuloy pa niya, “Kaya rin siguro ako napunta don para makita ko mismo kung ano ba talaga ang sitwasyon sa loob ng Hospital na may mga COVID patients.

“Para na rin maibahagi sa inyong lahat ang pagtulong at pagmamahal ng mga Doctors, Nurses, medical staffs, mga Ministro at manggagawa natin sa mga kababayan nating naapektuhan ng COVID.

“Hindi sila takot! Hindi sila lumalayo sa mga pasyente, matibay ang pagtitiwala nila sa Diyos,” pagpapatotoo pa ni Jon Lucas.

Read more...