ISANG fire volunteer ang nasugatan sa sunog na tumupok sa tinatayang 20 bahay sa Quezon City kanina.
Kinilala ng Bureau of Fire ang nasugatan na si Welvin Aquino, 19, na nagtamo ng sugat sa kamay.
Nagsimula ang sunog alas-10:37 ng umaga sa no. 34 Pajo st., Quirino 2A, na pagmamay-ari ni Allan Gelira.
Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay. Inaalam pa ang sanhi nito.
Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog bago ito nakontrol at naapula ng mga bumbero alas-11:35 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES