COVID testing capacity 42K pero actual test 10K lang

Mobile COVID trstibg

DAPAT umanong tugunan agad ng Department of Health ang mga problema kung bakit hindi umaabot sa 42,000 ang aktwal na coronavirus disease 2019 testing ng bansa.

Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera bagamat iniulat ng DoH na ang arawang kapasidad ng mga testing center ay 42,000 wala pa umano sa one-fourth ang aktwal na naisasagawang test bawat araw.

“The DOH has reported that as early as June 9, the maximum capacity of all COVID-19 testing laboratories is already more than 42,000. However, it appears that the average actual number of tests done by these laboratories is only less than a quarter of the reported maximum testing capacity at 10,090,” ani Herrera.

Ang pinakamataas na aktwal na test na naisagawa umano sa isang araw ay 14,517 na naitala noong Hunyo 17.

Mula Hunyo 2-8, ang average na testing umano sa isang araw ay 10,090.

Isa sa itinuturong dahilan ay ang pagod ng mga laboratory personnel at kakulangan ng mga gamit at supplies partikular ang extraction kits at reagents.

“If so, given the timeline set, when can we expect the country to fully maximize the reported maximum testing capacity of 42,000 tests per day?” tanong ni Herrera.

Iginiit din ni Herrera ang pangangailangan na matapos kaagad ang COVID-19 test validation backlog upang mas maging tugma ang datos sa kasalukuyang nangyayari.

Read more...