Misis ni ER EJERCITO nakunan muli, inoperahan sa matris | Bandera

Misis ni ER EJERCITO nakunan muli, inoperahan sa matris

Jobert Sucaldito |August 18,2013
facebook
share this

Misis ni ER EJERCITO nakunan muli, inoperahan sa matris

Jobert Sucaldito - August 18, 2013 - 03:00 AM

THIS is the third miscarriage para sa mahal nating anak-anakang si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito. Kaya lungkot na lungkot ang asawa nitong si Laguna Gov. ER Ejercito nang makausap namin sa phone recently.

Kasi nga, this is their third attempt na makabuo ng bagong baby. “Kawawa naman ang asawa ko. Kasi nga, yung baby ay magna-nine weeks na pero ang size nito sa womb niya ay pang-six weeks lang.

Then, wala raw itong heartbeat sabi ng doctor. Kaya pinaoperahan na namin si Mayor Maita.  “Pangatlo na sana namin ito. Twice na siyang nakunan before kaya pangatlo na ito,” ani Gov. ER who already have four children – Jet, Eric, Jerico and Julia.

In fairness, kumpleto na naman sila – three boys and a beautiful girl. By this time ay na-discharge na tiyak si Mayor Maita sa St. Luke’s Global kung saan siya inoperahan. Niraspa na ang mahal nating anak-anakan.

Tanong ko lang, kapag niraspa ba puwede pang mabuntis ulit? Sensiya na ha, hindi kasi ako maalam sa ganitong situwasyon. Kung mabubuntis muli si Mayor Maita, wish namin na mabuo na niya.

Kasi nga, nakatatlong laglag na siya – iyon lang naman ay kung ipagkakaloob pa sa kanila ng nasa Itaas, tama? “Stress-related iyan for sure.

Kasi nga, kahit sabihin pa nating very healthy ang mga cells nilang mag-asawa, kung sobrang stressed naman sila, chances are mahirapan talaga silang makabuo.

Naranasan namin ng misis ko iyan before. Ilang beses kaming nag-attempt noon pero hindi talaga kami makabuo.  “Kasi nga, super-stressed kami that time.

So we decided to really took enough rest and finally Elijah came to life. Ganoon lang iyon,” ani Papa Ahwel Paz, ang partner ko sa “Mismo” program namin sa DZMM.

Good luck, Gov. ER and Mayor Maita. You take care of yourself. Pahinga-pahinga muna kapag may time.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending