Veteran actor Jaime Fabregas humiling sa gobyerno: Ipaliwanag mabuti ang Anti-Terror Bill

TUMATAK sa aming isipan ang isang linya mula sa isang Nigerian film na pinamagatang “The CEO.” Dayalog ‘yon ng isang facilitator which goes, “Idealism and pragmatism are not birds of the same feather.”

Malayo sa pulitika ang tema ng pelikula, kundi sumesentro sa kung ano ang pananaw ng CEO-wannabe tungkol sa mga corporate issues na may kaugnayan sa kanilang mataas na puwesto sa kumpanya.

Bigla naming nai-relate ‘yon sa socio-political landscape meron tayo sa bansa ngayon.

Ang pinakabago ay ang kasado nang Anti-Terrorism Bill na nais maisabatas.

May mahaba pero masustansyang take dito ang beteranong aktor na si Jaime Fabregas sa Facebook. Imposibleng walang nakakakilala kay former General Delfin Borja ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Aminado siyang hindi siya abogado, kung kaya’t humihiling siya na kung maaari’y pagpaliwanagan siya ukol sa nasabing bill.

All he knows is that meron nang Human Security Act, kaya bakit pa raw kinakailangang magkaroon pa ng Anti-Terrorism Bill?

Pero sa bandang huli—na pinakabuod ng kanyang post—ay ina-acknowledge niya na dapat ay magkaroon tayo ng proteksiyon laban sa banta ng terorismo. Ang hindi nga lang malinaw kay Mr. Fabregas ay ang ilang probisyong nakapaloob sa batas na posibleng abusuhin, na huwag naman sana.

Hindi lang si Mr. Fabregas kung tutuusin ang hindi “solved” sa agarang pagpapasa nito lalo’t wala sa lugar ang timing nito.

Sa panahon nga namang higit na dapat nakatuon ang bansa sa kung paano malulutas ang health crisis ay ibang solusyon ang nakaumang.

Goodie-goodie ang papel na ginagampanan ni Jaime sa teleserye ni Coco Martin. Halatang isinasabuhay lang niya ang kanyang mga positibong katangian.

For sure, even if Mr. Fabregas is made to essay a baddie role ay hindi magbabago ang kanyang pananaw. Saludo kami sa mga artistang may pakialam sa kanilang kapaligiran.

Hindi nga naman porke’t artista lang ay wala silang kakayahang mag-isip let alone speak their thoughts.

                                                                           

Read more...