Covid-19 testing sa Iloilo apektado ng brownout

COVID testing center

DAHIL sa brownout, bumabagal umano ang coronavirus disease 2019 testing sa Iloilo.

Ayon kay Dr. Stephanie Abello, chief pathologist ng Western Visayas Medical Center sub-national laboratory, kinakailangan nilang bumalik sa manual labor para makapag-test kapag brownout.

Hindi umano kaya ng generator ng ospital ang kailangang kuryente ng kanilang automated analyzers kaya sa halip na 1,000 ay 400 lamang ang sample na nasuri noong Linggo.

Hindi rin umano nila magamit nag mga bio-safety cabinet kapag walang kuryente.

Mahalaga umano sa ospital ang kuryente kaya nag-request na rin sila ng bagong generator set para matugunan ang kanilang pangangailangan.

Pinaiimbestigahan sa Kamara de Representantes ang hindi umano magandang suplay ng kuryente sa Iloilo.

Inihain ni Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon ang House Resolution 785 upang matukoy umano ang problema.

“Ang concern ko lang talaga is yung mga consumers ng Iloilo, na sana hindi sila ma-apektuhan, lalo na ngayong pandemic. Ang problema ko talaga kasi is yung mga long brownouts na nangyayari,” ani Lagon.

“There is a need for the House of Representatives to look into this to ensure that the supply of electricity in Iloilo City will not be affected and that the people of Iloilo City shall not suffer.”

Read more...