UMAASA si House Deputy Majority Leader at Las Pinas Rep. Camille Villar na madaragdagan pa ang inilaang pondo ng gobyerno para sa pagpapautang sa mga Micro, Small and Medium Enterprises.
“We hope that more funding is given to MSMEs especially because they do comprise about 99.6% of all the businesses here and they provide 70% of jobs in the Philippine workforce. So it’s very important that we give them all the support that they need,” ani Villar.
Ayon sa Small Business Corp. (SB Corp.), ang financing arm ng Department of Trade and Industry, may nakalaang P1 bilyon para sa pagpapautang sa mga MSMEs.
Sinabi ni Villar na sa dami ng MSMEs na naapektuhan ng pandemya ay kukulangin ang P1 bilyon.
“One of the reasons why it’s very important to discuss the plight of MSMEs is because now you have different sectors really in need of help during this pandemic. Sometimes we overlook MSMEs and the needs of our MSMEs and we focus on the other sectors,” saad ng lady solon.
Ang mga kompanya na ang asset ay hindi lagpas ng P3 milyon ay makakautang ng P10,000-P200,000 samantalang ang lagpas ng P10 milyon ay makakautang ng hanggang P500,000.
Noong una ay plano ng SB Corp., na maningil ng 0.5% interes kada buwna subalit ibinasura nila ito at ang tangi na lamang sisingilin sa mga mangungutang ay ang 6% service fee.
Ang mga mangungutang ay bibigyan din ng anim na buwang paligit bago magsimulang magbayad.
Pero inihinto ng SB Corp., ang pagtanggap ng bagong loan application dahil sa kakulangan ng pondo.
Inaprubahan ng Kongreso ang P50 bilyong dagdag na pondo para sa SB Corp., sa ilalim ng Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) Bill. Nakabinbin ito sa Senado.