Deadline sa paghahain ng SALN pinalawig ng CSC

PINALAWIG ng Civil Service Commission ang deadline ng paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Mula Hunyo 3o ay ginawa ng CSC na Agosto 31 ang deadline.

Pinayagan din ng CSC ang online submission ng SALN kung mayroong ginawang mekanismo ang ahensya para masumpaan ito ng empleyado bilang pagsunod sa health protocol kaugnay ng coronavirus disease 2019.

Maaari umanong mag-online meeting ang naghahain ng SALN at ang Administering Officer.

Ang mga SALN ay isusumite sa mga tanggapan ng CSC at maaari na sa pamamagitan ng USB drive o CD.

Ang hindi makakapaghain ng SALN ay maaaring maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Read more...