Aplikasyon ng PWD ID sa QC suspendido

SIMULA bukas ay suspendido ang pagproseso ng aplikasyon para sa Persons with Disability (PWD) identification cards sa Quezon City.

Tatagal ang suspensyon hanggang sa makagawa ng bagong guidelines sa pagbibigay ng PWD ID upang matiyak na hindi maaabuso.

“We will use the two days to come up with the needed safeguards to ensure that only those deserving get the PWD cards,” ani Mayor Joy Belmonte. “Our protocols will be revisited and needed controls will be placed so the system will not be abused by greedy and opportunistic individuals.”

Ayon kay Belmonte natukoy na nila kung sino ang nagbigay ng PWD ID sa anim na miyembro ng isang pamilya na hindi kuwalipikado.

“The person behind the issuance of the ID card will be given 72 hours to explain why he shouldn’t be held administratively and criminally liable,” saad naman ni City Attorney Nino Casimiro.

Ang naturang empleyado ay maaaring maharap sa kasong grave misconduct na ang parusa ay pagkasibak sa trabaho.

Ang anim na PWD ID ay binili umano ng P2,000 bawat isa noong 2018. Hindi umano kuwalipikado ang anim sa ilalim ng Republic Act No. 10754 (An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability).

Read more...