Sharon: Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader!

“NAKAKAPAGOD na rin ang may kaibigan sa isang panig…habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan.”

Yan ang isa sa laman ng mahaba at malalim na hugot ni Sharon Cuneta patungkol sa mga taong patuloy na nambabagsak sa kanya at sa kanyang pamilya.

Hindi na raw talaga niya maipaliwanag kung ano na ang nangyayari sa mga tao ngayon, na walang ginawa kundi ang manira, manglait at manakit ng kanilang kapwa.

Sa kanyang Instagram account, idinaan ng Megastar ang kanyang saloobin hinggil dito kung saan nasabi niya na napakahirap ng pinagdaraanan ng pamilya nila ngayon.

Narito ang kabuuan ng IG post ni Mega: “I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so. 

“Where is my countrymen’s moral compass? Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. 

“Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage – at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa. Sa showbiz kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga. At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin. 

“Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan. Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kanya-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging politiko niya. 

“Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue. At ang baluktot, pilit itinutuwid. Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy. Di lang pala chismis,” lahad ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan.

Patuloy ni Shawie, “Nakakapagod na rin ang may kaibigan sa isang panig, habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan ng wala namang proteksyon mula sa kaibigan kahit mahal ka pa. 

“Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader. Para pag nakikita ko ang sakit sa mga mata ng mga anak ko kapag may masasakit na naririnig at nababasa, hindi na ako kailangan bumalanse sa pagiging kaibigan at INA. Dahil natural lang naman na ang pagiging INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA… 

“Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon. Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugulo. 

“Mas naa appreciate ko ang Showbiz ngayon…pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika.

“Bahala na ang Diyos sa amin. Siya naman ang may control sa lahat. Huwag natin bolahin ang ating sarili na tao ang may control sa lahat. 

“Bukas puede magunaw ang mundo kung nanaisin ng Diyos. Dapat ang kaluluwa mo ang sure na ihanda mo. Ganon lang po. God bless us all,” pagtatapos ni Sharon.

Read more...