Kiray: Pagbigyan n’yo na kami ng dyowa ko, proud lang kami at deserve namin ‘to

“HINDI na pagkakamali ang kasalanang paulit ulit na ginagawa…ang tawag du’n pananamantala na!”

Yan ang malalim na hugot ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis patungkol sa nakaraan niyang pakikipagrelasyon sa maling tao.

Pero sabi ni Kiray, kahit gaano kasakit ang idinulot ng taong yun sa kanya, hindi siya nawalan ng pag-asa na darating din ang lalaking para sa kanya.

And yes, proud na proud ang komedyana sa relasyon nila ng bago niyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia. Talagang ibinabandera niya ngayon sa buong universe kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Sa isa niyang social media post kung saan kitang-kita ang kanyang kaligayahan habang kasama si Stephan, sinabi niya na deserve nila ang maging masaya matapos masaktan sa kanilang previous partners.

“Pagbigyan niyo na kami magpost ng jowa ko. Proud lang kami sa isa’t isa. Alam kong hindi pa kami kasal kaya wag papakasiguro.

“Pero galing kami sa relasyon na hindi proud samin. Na hindi man lang kami maipag malaki. Kasi marami palang mga tinatago! Deserved namin to,” ang caption ng dalaga sa kanyang post.

Sa Twitter naman, sunud-sunod ang post ni Kiray kung saan ikinuwento niya ang panloloko ng dati niyang dyowa at kung paano sila nagkamabutihan ni Stephan.

“Nu’ng panahon na yun, pare parehas na tingin ko sa mga lalaki. Lahat manloloko. Walang hindi. Pero nung nakilala kita, lahat yun nagbago. Hindi naman pala lahat pare pareho. Depende rin sa tao,” simulang mensahe ng komedyana.

“Siya naman ilang beses na nagbigay ng tiwala. Pero napunta lang sa wala. Dahil hindi na pagkakamali ang kasalanang paulit ulit na ginagawa.

“Ang tawag dun pananamantala. Wala kang awa sa taong walang ginawa kundi mahalin ka pero lagi mo lang binabalewala.

“Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sakanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba.

“Du’n namin napatunayan na kahit gaano mo kamahal ang isa tao, may hangganan pala. Magsasawa karin pala. Mapupuno karin pala,” lahad ni Kiray.

Patuloy pa niya, “At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao, yun pala yung tamang panahon para makilala mo yung taong swak para sayo.

“Hindi man siya ang gumawa, pero yang nadurog mong puso, bubuoin yan ng walang kahirap hirap ng taong kaparehong mong kayang ibigay lahat. Yung hindi ka gagawang pangalawa. Hindi yung mag-away lang kayo, may kausap ng iba,” aniya pa.

Nagbigay din si Kiray ng payo sa lahat ng mga taong nasaktan, niloko at nahihirapang makapag-move on sa kanilang pagiging heartbroken.

 “Porket napunta ka sa maling tao. Hindi ibig sabihin nun, Maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa. 

“Lahat ng lungkot mo may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa. kasi nga nasa tamang tao ka na,” paalala pa ng dalaga.

Read more...