Pulis-Cebu patay sa COVID; pulis na nagkasakit 518 na

COVID

ISANG pulis na nakabase sa Cebu ang nasawi matapos dapuan ng 2019-Coronavirus disease.

Ang naturang pulis, isang 45-anyos na lalaki, ay nakatalaga sa Central Visayas regional police aat ang ikaapat na alagad ng batas na nasawi dahil sa COVID-19, sa naturang rehiyon, ayon sa ulat ng PNP.

Dahil sa pagkasawi ng naturang pulis ay umabot a sa siyam na alagad ng batas ang nasasawi sa COVID-19, sa buong bansa.

Kaugnay nito, pumalo na sa 518 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nakumpirmang nagkaroon ng COVID-19, simula Marso.

Nagpahayag si PNP chief Gen. Archie Gamboa ng pagkaalarma sa pagdami pa ng mga pulis na dinadapuan ng COVID-19.

“We are doing our best to provide immediate medical attention to our police patients and to help keep our frontliners safe,” aniya.

Ayon kay Gamboa, ang 518 pulis na nagkaroon ng COVID-19 ay halos 1.6 porsiyento na ng kabuuang bilang ng mga nagkasakit sa bansa.

Aniya, 313 sa mga nagkasakit na pulis ang gumaling na, 160 ang nananatili pa sa quarantine facilities, 14 ang naka-home quarantine, at 22 ang ginagamot pa.

Samantala, minamadali ngayon ng PNP ang pagpapatayo ng isang testing facility sa Cebu City.

Humihingi pa ang pulisya ng approval ng Department of Health para sa lugar na balak nitong pagtayuan ng naturang pasilidad, ayon kay Gamboa.

– en

Read more...