Sulat mula kay Vina, ng Barangay Bual Sur, Midsayap, North Cotabato
Problema:
1. NAGKITA na rin kami ng txm8 ko at sa unang pagkikita pa lang namin, masasabi kong umibig na ako sa kanya. Kaya naman, pagkatapos naming kumain sa restaurant sa Davao City ay nagpunta kami sa pribadong lugar at nakuha niya ang aking pagkababae.
2. Hindi ko nga po maisip kung bakit ubod nang bilis ang pangyayari, basta ang alam ko minahal ko na agad siya sa oras at araw na iyon. Ang gusto ko lang pong malaman ay kung kami na po ba ang magkakatuluyan at kung compatible ba kami? October 11, 1990 ang birthday ko at September 12, 1989 ang birthday ng txm8 ko, na boyfriend ko na ngayon. Balak uli naming magkita. Siya na kaya ang soulmate ko at kapag kami ang nagkatuluyan, magiging maligaya at magiging panghabambuhay na kaya ang pagsasama namin?
Umaasa,
Vina, ng Barangay Bual Sur, Midsayap, North
Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang z
Numerology:
Ang mabuting balita, hindi lang kayo sa Astrology compatible o tugma, bagkus compatible at tugma din kayo sa Numerology, kung saan, ang birth date mo at ang sa boyfriend ay nagsasabing suwetong-suweto at magiging maligaya talaga ang inyong samahan.
Luscher Color Test:
Upang matiyak kung kayo na nga ang mag-soulmate kung sa unang araw ng inyong pagkikita ay naka-suot ng kulay puti polo o shirt ang boyfriend mo habang ikaw naman ay naka-pink or blue, sa ganyang palatandaan, walang duda, kayo na nga ang magka-soulmate at habambuhay na magsasama.
Huling payo at paalala:
Vina, ayon sa iyong kapalaran, kung tumutugon sa nasabing mga palatandaan sa itaas, ang kasalukuyan mong boyfriend, matuwa ka at magpasalamat dahil kung iyong ibang mga babae ay dumadanas muna ng mga kalungkutan at kasawian sa pag-ibig bago matagpuan ang soulmate, lubha kang mapalad, dahil sa edad mong 23 sa maagang edad tunay at ganap mo na ngang natagpuan ang iyong soulmate na sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, sigurado na ang magaganap – ang inyong samahan ay mamumunga ng maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
Umibig sa txm8 (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...