Tarlac nilindol

NIYANIG ng magnitude 3.4 lindol ang Tarlac kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-2:10 ng hapon.

Ang epicenter nito ay limang kilometro sa silangan ng bayan ng Mayantoc. May lalim itong 18 kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity III sa Villasis, Pangasinan at Intensity II sa San Clemente at Santa Ignacia, Tarlac.

Read more...