ATB sagot sa madugong ekstremismo, radikalismo

NANINIWALA ang isang multi-sectoral group na makatutulong ang pagsasabatas ng anti-terrorism bill kontra sa madugong ekstremismo at radikalismo.

Iginiit ng Liga Independencia Pilipinas (LIPI), isang makabayang koalisyon na binunuo ng 48 organisasyon sa buong bansa, sa Malacanang at Kongreso ang pangangailangan ng Pilipinas ng Anti-Terror law at Human Security Act (HSA).

“Sa panahong ginunita natin ang nakaraang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nararapat lang na isabatas na ang anti-terrorism bill,” ani Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, LIPI secretary-general, sa kalatas.

Naniniwala si Goitia na mapipigilan ng

Anti-Terror Bill (ATB) ang mga pag-atake ng mga terorista sa bansa.

“The Filipino people deserve freedom against the tyranny, oppression, violence, killings of innocents, and the long-standing armed insurgency brought by communist groups, Islamic extremists, and other rebel organizations in the country,” giit ni Goitia.

Aniya, ang pagpasa ng panukala ay magiging susi sa paglupig sa lahat ng uri ng terorismo.

“Ito ay isang legislative measure na magpapalaya sa tao sa kuko ng terorismong banyaga,” dagdag ni Goitia

Naniniwala rin si Goitia na hindi banta ang ATB sa karapatan ng mga Pilipino.

“The proposed bill is not a step toward martial law, he said, but a solution to the long-running insurgency, among other issues, in the country,” paliwanag niya.

Hindi rin dapat mangamba umano ang publiko na maaabuso nito ang karapatang pantao dahil may mga probisyon na magpoprorekta rito.

“Malinaw namang kinikilala ng batas sa mga Bill of Rights sa 1987 Constitution at may mekanismo itong nakalatag sa potential na paglabag ang Anti-Terrorism council,” dagdag ni Goitia.

Ang “rule of law” pa rin sabi ni Goitia ang mamamayani.

“Sibilyan pa rin ang maghahari, batas pa din ang mangingibabaw, karapatang pantao pa din po ang mananaig,” giit pa ni Goitia.

Nalulungkot si Goitia dahil ginagamit umano ng mga militanteng grupo ang panukala bilang propaganda kontra sa pamahalaan sa gitna ng mga petisyon upang mabasura ang panukala.

Read more...