Matteo kumasa sa ‘unboxing challenge’ ni Bitoy: Anytime! Game on! 

SEEMINGLY cashing in on Matteo Guidicelli’s recent epic fail of unboxing of PS4 which caught the collective ire of fans, inimbitahan ni Michael V ang dyowa ni Sarah Geronimo para sa isang unboxing challenge.  

“UH OH! Who’s down for this? Let’s do this @mateoguidicelli!” tweet ni Michael V.

Kumasa naman si Matteo sa hamon as he replied, “Anytime. Game on.”

Nag-react ang followers ni Michael V sa Twitter. Some were appalled by Matteo’s unboxing skills while others naman ay kumampi sa actor.

“Hahaha. Sa totoo lang di ko maintindihan ang ish. Promotional packaging lang naman yung sinira niya. The box is still intact.”

“Ang laki ng problema nila sa box na yan. Parang sing intense ng problema sa COVID.”

“Malabo mangyari, kita naman mukhang napilitan nga lang sya sa unboxing. Na-badtrip lang ako nung nakita nya yung FF7 Remake… Walang excitement sa katawan.”

“Box lang yung sinira beh hindi yung PS4 huwag OA okayyy???”

“Kung gusto nya sirain yung ps4 nya bahala sya. Sa kanya naman yan. Di ko gets ang issue.”

“Dapat ba maglulundag sya kagaya mo. Iba-iba kasi ang tao. Hindi lahat kagaya mo.”

“Pero ikaw sana mag unbox. Nood lang si Matteo. Hahaha!”

Ang isa sa labis na nagtanggol kay Matteo ay ang Hashtags member na si Nikko Natividad. 

 Sunud-sunod ang aria nito sa kanyang Instagram account, defending Matteo sa mga bashers.

“May kahon pako dito ng PS4 wala pong gasgas fresh na fresh. Ido donate ko sa ngawa ng ngawa sa box na nasira.”

“Galit na galit kayo dahil sa unboxing ni Matteo sa PS4 kesyo walang ingat. Pero sa sarili nyong katawan hindi kayo nag-iingat. Pag nagyoyosi, umiinum at kumakaen kayo ng kung ano ano hindi kayo nanghihinayang.  Hay Pinoy nga naman.”

“Pag nakabili ako ng PS5 pa ngipin ko bubuksan mga mother father na yan. Sumasamba sa karton.” 

“Yung mga nagmamarunung sa unboxing.  Sana mag unboxing naman kayo ng utak.”

We’re amused dahil now lang yata naging issue ang pag-unbox ng isang bagay.  Parang may protocol yatang dapat i-observe when unboxing something. 

Hay, this millennial thing is certainly making us wonder, ganoon na ba ka-petty ang mga kabataan ngayon?  

Read more...