10 huli sa magkakahiwalay na operasyon sa QC

ARESTADO ang 10 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Nahuli ng Masambong Police sa buy-bust si Normina Casam, 28, ng Manila City, alas- 8:20 kagabi sa De Vera st., Brgy. Mariblo. Apat na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200 ang narekober umano sa suspek.

Nasakote naman ng Talipapa Police sina Rogelio Palomar, 50, Elvin John Emerson Pagunza, 27, at isang 17-anyos na lalaki sa buy-bust operation alas-7:50 kagabi sa Area 5 Brgy Pasong Tamo. Nasamsam umano sa kanila ang P34,000 halaga ng shabu.

Naaresto naman ng Novaliches Police sina Eric John Inting, 45, Arjey Dealagdon, 27, at Ricardo Nava, 33, alas-2 ng umaga kanina sa tapat ng isang sanglaan sa Quirino Highway kanto ng Kings point Brgy. Bagbag, Novaliches. Narekober umano sa kanila ang P13,600 halaga ng shabu.

Nakakulong naman sa Anonas Police si Kenneth Fuentes, 29, na nahuli ng mga tanod alas-11:55 kagabi sa Balara Filter, Brgy. Pansol. Lumabag umano ito sa curfew at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu.

Kamuning Police naman ang humuli kina Glenn Dela Cruz, 38, at Ryan Achuela, 38, ng Brgy. Central, alas-6:30 ng gabi sa Dama De Noche st., Brgy.  Central. Narekober umano sa kanya ang P34,000 halaga ng shabu.

Read more...