UMAARTE ang mga artista, isa ‘yun sa mga puhunan nila sa propesyong pinasok nila, bukod sa kaguwapuhan at kagandahan.
Pero ang kaartehan, sabi ng mga miron, ay ibang usapan na.
Isang kilalang female personality ang bumibida sa kanilang kuwento.
May katabilan ang dila ng unang source dahil ang kanyang sabi, “Marunong na rin naman siyang umarte, pero sa kaartehan, e, walang makakakabog sa kanya!”
Sinasang-ayunan naman ‘yun ng mga nakakatrabaho ng female personality, totoong my kaartehan siya, hindi nga matatawaran ang pagiging maarte ng babaeng personalidad.
“Kahit nu’ng bagets pa ang girl na ‘yun, e, maarte na talaga siya! Kung gaano kasimple ang mga kasamahan niyang youngstars, e, sobra naman ang kaartehan niya!
“Marami siyang kakuwanan sa buhay, nakakaloka ang kaartehan niya, hindi na lang siya binebengga ng mga nakakatrabaho niya dahil siya na talaga ‘yun!
“Tanggap na nila ang kaartehan ng female personality, kakambal na niya ‘yun, hindi na mawawala pa sa kanya!” sabi naman ng isa pang miron.
Nagkakaedad na ang female personality ngayon, aktibo pa rin siya sa pag-arte, pagkatapos na maging magulo ang kanyang buhay sa ibang bansa.
Patuloy ng isa pang impormante, “Naku, nakikipagpaligsahan siya ng kaartehan sa isa pa niyang kamag-anak na nuno rin ng kaartehan!
“Hindi naman masasabing nasa dugo nila ‘yun, dahil bakit naman ang ibang pinsan nila, e, hindi ganu’n kaarte?
“Ang bestfriend ng girl na itey, e, ang make-up kit niya na hindi puwedeng mawala kahit saan siya magpunta, sa totoo lang!
“Hindi siya puwedeng mabuhay nang walang make-up, lalo na ng lipstick, dala-dala niya ‘yun kahit saan at kahit kailan!
“Aysus, kabarus, Vito Cruz, Sta. Cruz, siguro naman, e, kilalang-kilala n’yo na kung sino siya, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio at Bradly Guevarra!” pagtatapos ng aming source.