3 dakip sa P6.36M marijuana

ARESTADO ang tatlo katao nang mahuling nagbibiyahe ng aabot sa P6.36 milyon halaga ng marijuana, sa Bontoc, Mountain Province, kagabi.

Nadakip sina Wilfredo Magbanua Jr., 34; Noli Navales, 38; at Mary Grace Lunas, 34, pawang mga taga-Dasmarinas City, Cavite, ayon sa ulat ng Bontoc Police.

Naharang ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlo sa checkpoint sa Sitio Finew, Brgy. Samoki, alas-11:15.

Sakay sina Magbanua ng kulay maroon na Mitsubishi sedan, kung saan natagpuan ang 53 marijuana bricks na may bigat na aabot sa 1 kilo bawat isa, ayon sa ulat.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.

Read more...