NANGAKO ang TV host-actress na si Kris Aquino sa sambayanang Pilipino na gagawin niya ang lahat para makabangon muli ang ating bansa mula sa sunud-sunod na dagok at pagsubok.
Ito’y bilang regalo na rin niya sa kanyang yumaong amang si dating Sen. Ninoy Aquino ngayong Father’s Day.
Isang lumang video ang ipinost ni Kris sa kanyang social media accounts kung saan makikita sila ng kanyang ama na nag-uusap sa airport bago sila magtungo sa Amerika. Nine years old lang daw siya noong panahong yun.
“Thank you to my nephews Jiggy & Jonty for finding this video on YT.
Taken from our departure on May 8, 1980 for the (American flag) for my dad’s triple heart bypass surgery followed by our 3 years in Boston.
“Opo, ganun ako ka ‘confident’ na bata, at just 9 years old may ‘binibilin’ ako sa Dad namin na mga dapat nyang gawin… marami nang nagsabi (my mom included) that I really took after my dad at ako ang female version nya…,” simulang pahayag ni Kris sa caption.
Patuloy niya, “I have matured enough, would you believe I am now just 1 year younger than he was when he was assassinated in 1983, for me to realize I have so much more to learn: humility, self-sacrifice, and the willingness to serve with every drop of my blood before I can truly be worthy of that compliment.
“BUT I share with both my parents an unwavering LOVE for the Philippines and Filipinos, come what may, ano man ang pagsubok.
“Mahal ko ang bayan natin at gagawin ko ang makakaya ko para tumulong sa kapwa para makabangon tayong muli. That is the best Father’s Day gift I can give Ninoy Aquino.”