Ritz Azul engaged na sa non-showbiz BF: This guy’s in love with me, pare!

ENGAGED na ang Kapamilya actress na si Ritz Azul sa kanyang non-showbiz boyfriend!

Ito ang ibinandera ng dalaga sa kanyang social media account matapos mag-propose sa kanya ang dyowang si Allan Guy.

Ipinost ni Ritz sa Instagram ang litrato nila ng boyfriend at nilagyan ng sweet caption na, “This Guy’s in love with me, pare. I love you too, Allan Guy. @allan_guwi (ring emoji). #engaged #myfiancé.”

Si Allan ang magiging first and last boyfriend ni Ritz dahil palagi niyang sinasabi sa interview noon na isa siyang proud member ng Team NBSB o no boyfriend since birth. 

Aniya, talagang ang gusto niyang mangyari, kung sino ang una niyang magiging BF ay yun na rin ang pakakasalan niya.

Sa isang panayam sa aktres bago ipatupad ang lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic, inamin niyang masaya ang kanyang buhay-pag-ibig.

“I’m happy. Well, ang masasabi ko lang I have someone I can lean on. Parang kasing sobrang best of best friend ko siya,” aniya.

Sabi pa ni Ritz, ayaw niyang tawaging boyfriend ang kanyang partner, “Kasi yung mga magulang ko, lalo na yung papa ko, ayaw nilang tawaging boyfriend kasi para sa kaniya pag tinawag mong boyfriend, may next boyfriend pa. 

“E, ayaw niya yung papalit-palit. So hanggang doon na lang muna siguro, best of best of best friend,” pahayag pa noon ng dalaga. 

Read more...