NAGPASABOG ng positive vibes at kilig sa social media ang pagkikita up close and personal nina Mayor Vico Sotto at Bea Alonzo.
Tinukso ng mga netizens pati na ng kanyang mga celebrity friends si Bea nang ma-meet niya kahapon ang batang alkalde na anak ng kanyang “onscreen mommy” na si Coney Reyes.
Kung matatandaan, gumanap si Bea bilang isa sa mga anak ni Coney sa 2013 blockbuster movie na “Four Sisters And A Wedding” under Star Cinema kung saan nakasama niya sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Enchong Dee.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Bea ang litrato nila ni Vico together. Kuha ito nang personal na dalhin ng Kapamilya actress ang donasyon mula sa kanilang “I AM HOPE” foundation.
Ayon kay Bea, ang kanilang tulong na ibinigay through the office of Mayor Vico ay bahagi ng mission ng I AM HOPE na bigyang pagkilala ang lahat ng frontliners, kabilang na ang mga street cleaners sa Pasig, lalo na ngayong Father’s Day.
“We intend to celebrate the fathers who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage,” bahagi ng caption ni Bea sa kanyang IG post.
“MARAMING SALAMAT PO sa mga tatay na street sweepers at garbage collectors sa pagtulong sa ating kumunidad at sa pagttrabaho ng marangal para sa kanilang pamilya,” aniya pa.
May pahabol pang mensahe si Bea para naman sa nanay ni Vico, “Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo! Joke!”
Dagdag pa ng dalaga, “Thank you, Mayor Vico Sotto and Cong. Roman Romulo, for your time.”
Reply naman ni Vico sa Instagram post ni Bea, “Thank you for helping and congrats for the success of @iamhope_org.”
Sunud-sunod ang naging comments ng followers ni Bea sa IG at halos lahat ay nagsabing bagay sila ni Vico at sana’y mabigyan sila ng chance na mas makilala pa ang isa’t isa dahil baka nga naman sila pa talaga ang itinadhana.
At in fairness, hindi lang ang fans ang kinilig sa pagkikita nina Vico at Bea dahil pati ang mga friends nila sa showbiz ay nakitukso rin.
Comment ng kaibigan ni Bea na si Dimples Romana na nakasama niya sa iconic Pinoy movie na “One More Chance”, “Basha (karakter ni Bea sa pelikula), naalala ko lang, hindi ba’t Binibining Santolan Pasig 2001 kaaaaaaaa?”
Humirit naman ang isa pa niyang friend at “One More Chance” co-star na si Janus del Prado na gumawa pa ng online poll para sa tambalan nina Bea at Vico, “#BeVico #BeyVico #Biko VOTE NOW!”