KC may ‘paramdam’ kay Apl.de.ap: It’s time for some action!

KC

MAS lalo pang naintriga ang fans ni KC Concepcion sa kung ano ba talaga ang tunay na relasyon nila ng international singer na si Apl.de.ap.

This, after KC posted a photo of hers sa kanyang Instagram account na may caption na, “It’s time for some action!”

Part ito ng pagsuporta niya sa bagong album ng American group na Black Eyed Peas nina Apl.de.ap. 

Kaya naman mas uminit pa ang balita na mukhang may “something” na nga sa dalawa.

“One day I said to myself, ‘it’s time for some action!’  and so I downloaded @bep’s dope new album & began to adventure to the outside world for my weekly vitamin drips,” ang buong caption ng singer-actress sa kanyang IG photo.

In an interview with Toni Gonzaga sa bago nitong digital show na “I Feel U”, sinabi ni KC na kinikilig na uli siya ngayon, “Kung sa heart okay naman ako, may mga kausap ako and thank you Lord. Kinikilig ako.” 

“Kasi siyempre ang hanap natin ngayon ay ‘yung medyo mas deeper. Sasabihin ko sa inyo kapag alam ko na, promise,” aniya pa.

                           * * *

Mixed reactions ang natanggap ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza mula sa netizens matapos ang kanyang matapang na pagpuna  sa isinasagawang hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN.

      Maging ang anak ni Cong. Lito na si Kim Atienza ay natuwa  sa naging pahayag niya during the hearing.

       Tweet ni Kuya Kim para sa kanyang ama, “Proud of you pops. Thank you.”

      Ang tweet na ito ni Kuya Kim ay  umani na ng libo-libong likes sa Twitter.

     Pinag-usapan sa social media ang pagsasalita ni Rep. Atienza sa Kongreso noong Miyerkules matapos niyang sabihing parang nangingisda lang ng pruweba ang mga tutol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

    “After seven hearings, wala pa po silang napapatunayan. Humihingi sila ng records, meaning they are on a fishing expedition,”  matapang na pahayag ni Cong. Atienza.

       Ibinahagi niya rin ang obserbasyon ng mga tao na tila paulit-ulit lang daw ang ibinabatong isyu sa ABS-CBN, dahil lahat naman daw ay nasagot na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

       “Ang tanong sa akin sa labas, gano’n lang palagi. ‘Kayo ba ay talagang desididong huwag bigyan ng prangkisa?’ Sabi ko, ‘Bakit gano’n ang impression ninyo?’ ‘Eh napapanood po namin.’ ‘Yung paratang ng isa ay paulit-ulit na hindi binabago bagamat nagsasalita na ang awtoridad,” kwento pa niya.

       Dugtong pa ng politiko,  “Ang hinihingi ko lang, take better control of the proceedings. This is a committee of 305 members of Congress duly elected by the people.”

      Hiniling din ni  Cong. Atienza  na sana tingnan din ang kontribusyon ng ABS-CBN sa bansa sa paglitis ng prangkisa ng network.

      “Husgahan natin ang ABS-CBN on the basis of their contribution to national development and the protection of the rights of every citizen and public service,” lahad pa ng kongresista.

    Lubos na humanga ang netizens sa mga punto ni Rep. Atienza dahil sila raw mismo ay sang-ayon sa mga sentimyento ng congressman.

     “Sana laging nasa listahan ng interpelators si Mr. Lito Atienza. Kitang-kita na nagulat ang Kongreso sa matatapang niyang salita,” sabi ng netizen na si @doppleganger 416.

    “Tama lang na nandigan si Cong. Lito Atienza laban kina Marcoleta at Remulla. Para sa publiko, inaasahan namin ang hearing na suportado ng mga pruweba, hindi sariling interpretasyon ng kung sino man,” tweet naman ni @lologabemman.

    “Nasa lugar ang pagsita ni Lito Atienza kay Marcoleta sa panggugulang niya. Ilang araw nang gumagamit si Marcoleta ng mga salitang nang-aakusa sa ABS, at tinawag pa silang sinungaling,” sabi naman ni @anjpessumal.

   Magaganap ang susunod na hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN sa Martes (Hunyo 23).

Read more...