Cagayan niyanig ng magnitude 4.5 lindol

NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Cagayan kanina.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:49 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 37 kilometro sa kanluran ng Calayan. May lalim itong 28 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Calayan, Cagayan.

Intensity III naman sa Sanchez-Mira, Cagayan.

Ang mga instrumento ng Phivolcs ay may naitalang Intensity II sa Pasuquin, Ilocos Norte at Intensity I sa Laoag City.

Read more...