NADAGDAGAN ng 12 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Umakyat na sa 6,140 ang kabuuang bilang ng OFW na nahawa ng COVID-19.
Tatlo naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at may kabuuang bilang na itong 2,851.
Ang bilang naman ng nasawi ay 495 matapos na itama ang isang ulat kung saan inilista sa gumaling ang isang namatay sa Middle East.
“The DFA continues to keep track of the status of Filipinos abroad and work to safely repatriate more of our stranded nationals home as we keep fighting against this pandemic!.”
MOST READ
LATEST STORIES