Billy nag-sorry sa ama: Ang goal ko  is to be the better version of my father 

NAGING emosyonal ang TV host-singer na si Billy Crawford habang nagkukuwento tungkol sa amang si Jack Crawford.

Hindi napigilan ni Billy ang maluha nang isa-isahin ang mga life lesson na natutunan niya sa kanyang ama pati na ang unconditional love na ibinibigay nito sa kanya.

Ayon sa asawa ni Coleen Garcia, sa wakas ay matutupad na niya ang ultimate wish ng kanyang daddy Jack — ang makita at makasama pa ang magiging apo niya.

“Growing up kasi close family talaga kami. To see my dad, ang pangarap niya kapag kausap ko sila ang sinasabi niya, ‘Son, I’m just holding on para makilala ko lang ‘yung anak niyo.’ 

“Matanda na ang daddy ko and maraming complications. Pero marami akong natutunan at marami akong maituturo sa aming anak ni Coleen dahil sa ama ko. And I owe a lot to my dad,” pahayag ng Kapamilya singer-actor sa panayam ng Magandang Buhay kanina.

Lahad pa niya, “Ako ang goal ko is to be the better version of my father for myself. And I want to be the better version of myself para sa aking newborn.”

Ito naman ang Father’s Day message niya para sa ama na naka-base sa Amerika, “Thank you so much. I love you and I miss you so much. I wish that when my son is born that you’d be able to hold him as well. 

“I’m always here. I love you so much. And for whatever I’ve done in the past that has upset you or to turn you away, I apologize. I love you so much and I hope to see you soon,” ang mensahe pa ni Billy kay Daddy Jack.

Read more...