Ivana Alawi: Masaya ako sa pagiging sexy, ayoko magpa-sweet

IVANA ALAWI

DESISYON ni Ivana Alawi ang maghubad at magpa-sexy sa harap ng camera at wala siyang pinagsisisihan dito.

Aminado ang Kapamilya sexy star na ito talaga ang gusto niya mula nang mabigyan ng chance na lumabas sa ilang programa ng ABS-CBN.

Naikuwento ng dalaga sa online talkshow na “I Feel U” online show na hindi rin naging madali para sa kanya ang makapasok sa showbiz. Marami rin siyang pagsubok na pinagdaanan bago siya makilala bilang Ivana Alawi.

“Marami rin akong pinuntahan na auditions, kasi si Mama very supportive siya, kapag may gusto ka support ka niya basta nasa tama, so every time may audition, may casting pupuntahan namin, ako ‘yung napapagod kasi lagi akong reject,” simula niyang kuwento.

“Lagi akong reject sa auditions, lalo na ‘yung sa mga commercials, kasi hindi nila type ‘yung face ko. Ha-hahaha! Siguro may specific silang hinahanap, e, hindi ako nag-fit sa kahit saan,” natatawa pang chika ng dalaga.

Patuloy pa niya, “May mga roles ako sa mga project maliliit lang rin talaga, siguro hindi din ako ready noong time na ‘yun for sure.” 

Pero mukhang mailap sa kanya noon ang swerte sa showbiz, “Tumigil na ako, nag-give up na ako. Sabi ko, mag-aaral na lang ako. 

“Kasi I finished one course na so naisip ko ‘mag-aral nalang ako ulit’ so aral na lang ako ng aral kasi wala akong magawa padamihan na lang ako ng course,” aniya pa.

Kuwento pa ni Ivana, ang nanay niya mismo ang nag-effort para matupad ang kanyang pangarap na maging artista, “Si Mommy, pinasa niya ‘yung pictures ko sa mga managers tapos kinausap niya through Facebook.

“Ang dami niyang na-message noon tapos isa lang ang nag-reply. Sabi ng kausap ni Mommy, ‘Sige meet ko kayo ng anak mo.’ Tapos sabi ko kay mama ‘Bakit gusto niya ako ma-meet?’

“Nu’ng pumunta ako sa office, sabi ko, ‘Ma, hindi na ako magpapa-tweetums’. Sabi ko kung babalik ako ulit at magta-try ako ulit, gusto ko ‘yung kung saan ako masaya, sabi ko ‘masaya ako sa pagiging sexy, ayoko maging pa sweet,” lahad ng actress-vlogger.

“Sabi ko, kung babalik ako nang showbiz, gusto ko try naman sa gusto ko talaga.

“I didn’t want naman na to be known na ‘a sexy girl’ sabi ko that time ‘I want to be confident with myself and I loved myself.’ Sabi ko, ‘hindi ako natatakot magpakita ng skin o mag-two-piece’ or whatever works required me to do, I will do it professionally,” ani Ivana.

Read more...