Powers ni Angel bilang Darna mas tumindi pa; dedma sa body-shamers

Angel

SA halip na maging nega sa madlang pipol, mas lumakas pa ang powers ni Angel Locsin bilang isang tunay na “superhero”.

Nag-viral ang mga litrato ng Kapamilya actress na TV host na rin ngayon, kung saan makikita ang biglang paglaki ng kanyang katawan.

Marami ang nabigla nang malamang malaki ang nadagdag sa timbang ng mapapangasawa ng film producer na si Neil Arce at tulad ng inaasahan, naging mapanghusga ang ilang netizens.

Ang mga kumalat na litrato ng aktres ay kuha sa taping ng bago niyang show sa Kapamilya Channel, ang Ibw Yan na kinunan sa Mauban, Quezon.

 Dito nga mapapansin na medyo lumobo ang dalaga, pero mukhang hindi naman apektado si Angel sa itsura niya ngayon base sa kanyang aura dahil blooming pa rin siya at kitang-kita na masaya at kuntento siya sa buhay niya ngayon.

May mga nanglait man, mas marami pa rin ang nagtanggol sa aktres at in fairness, itinuturing na rin siya ngayong ambassador ng body positivity at superhero ng mga babaeng “plus size.” Anila, si Angel ang perfect example ng babaeng “confidently beautiful with a heart.”

Narito ang ilan sa mga comments ng ating mga ka-BANDERA sa pagiging plus size ng tinaguriang real life Darna.

“She’s just enjoying her life,without the stress of hard exercise to keep herself slim. Let her be.”

“Basta maganda ka pa rin ms.angel….mataba ka man..ikaw pa rin ang nag iisang angel na may mabuting kalooban.”

“OK lang yan..syempre ang tao bsta ngkakaedad..tataba tlaga..lalo na ngayon na stay at home lang..iba nga dyan mataba na pangit pa..hahaha peace.”

“Natural lang po na tumaba dahil epekto ng lockdown at sarado mga gym. Tumaba din ako from 46 kg to 50 kg.”

“Parang retoke ang pic anyway we still love you Angel walang magawa mga netizens na yan cguro tingin nila perfect sila goodluck so bitter ng iba.”

“Bka epekto lang yan ng mga gamot sa katawan nya nung araw pa. Ngayon lng nag iba epekto sa kanya..lumobo cya..sna nga buntis lng cya.”

“Inggit todo magka covid sana mga inggetera inggetero.”

Read more...