NOT because they are way past their prime ay idle o hindi na productive ang ating mga senior or veteran stars.
Sa kabila ng umiiral pa ring health crisis, the two Glorias (Romero and Sevilla) have something going sa araw-araw nilang pagharap sa buhay tulad ng naisulat namin kahapon.
Maging ang 81 taong gulang na si Celia Rodriquez doesn’t let time pass her by. Mahilig kasi siyang magbasa, and make it classic books.
Ito ang libangan ng Bikolanang aktres while away from her children, isa na rin ang doktor niyang anak na isang frontliner sa Australia.
Tulad ng kung tawagi’y Manay Celia, ang septuagenarian na si Pilar Pilapil is also a sucker for good books.
Masuwerteng bago nag-lockdown sa Maynila ay nakalipad na siya in her native Cebu, malayo sa siyudad kung saan maraming naitalang kaso ng COVID-19.
Nananatili si Pilar sa kanyang farm kasama ang kanyang asawa.
Also with her husband is Boots Anson-Rodrigo. Pero sa halip na mag-stay sila ni Atty. Rodrigo sa kanilang magarang tahanan sa Alabang ay mas pinili nilang mamalagi sa kanilang condo unit sa Robinson’s Magnolia.
Food is never a problem with the Rodrigo couple. Ilang tumbling lang kasi ang layo nito sa kapatid ni Atty. Rodrigo na si Pempe who resides in New Manila.
Very much attached din si Barbara Parez, 82, sa kanyang asawang aktor na si Robert Arevalo.
Sa mga hindi nakakaalam, kahit eksperto sa kusina si Barang (tawag sa aktres dubbed as the Audrey Hepburn of the Philippines) ay trip nilang mag-asawa to dine out.
Sa ngayon, nagpapagaling si Robert mula sa isang matinding karamdaman. Dasal ng kanilang mga showbiz peers that he recovers soon.
Muli, ang aming pasasalamat kay Butch Francisco for these updates.
* * *
Samantala, nagluluksa pa rin until now ang entertainment industry sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang veteran actress recently.
Naunang nagpaalam si Ms. Anita Linda o Alice Lake sa tunay na buhay sa edad na 95. Ilang araw ang nakalipas, sumakabilang-buhay naman ang aktres na si Lilia Dizon, siya ay 92 years old.
Si Lilia Dizon ay ina nina Pinky at Christopher de Leon. Dinapuan ito ng cancer na nag-metasthasize na. For a time ay doon muna siya nanatili sa bahay ni Christopher but because the latter contracted the virus ay kinailangang ilipat siya sa bahay ng isa niyang anak from her second marriage.