HAHATULAN umano ang Anti-Terror bill hindi sa maraming tagumpay na makakamit nito kundi sa isang pang-aabuso na gagawin gamit ito.
Kaya hinamon ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Armed Forces of the Philippines na makipag-ugnayan sa Executive at Legislative para maiwasan ang pang-aabuso gamit ang Anti-Terror bill na pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang kulang para maging batas.
“It is a reminder to the Executive Department, the Secretaries, who will form the Task Force Committee, it is a reminder to the Chief-of-Staff, it is a reminder to the Senate and Congress, and it is a reminder to the Chief PNP that the law will be judged not by all its successes, but by one abuse,” ani Cayetano.
Pumunta si Cayetano sa AFP kanina upang ibigay ang donasyon ng Kamara de Representantes sa mga miyembro ng Joint Task Force – National Capital Region.
Hinamon din ni Cayetano si AFP Chief-of-Staff Felimon Santos, Jr. at iba pang tauhan ng AFP na tiyakin na walang pang-aabusong magaganap.
“Maybe not now, maybe not next week, maybe not in one year, we may prove that the critics [are] wrong,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Kung mapapatunayan naman umano na tama ang mga kritiko ay maaaring kumilos ang Kongreso upang baguhin ang batas.
“We have an Anti-Terror Bill that is at par with Singapore, US, and UK, ‘yung pinipintasan po na provisions sa Anti-Terror Bill ay mas mababa po ang period of detention at mas maraming safeguard,” dagdag pa ni Cayetano.
Iginiit ni Cayetano ang kahalagahan ng batas upang maproteksyunan ang bansa.