P32.8 M jackpot sa lotto nasungkit sa Laguna

SA Laguna tumaya ang nanalo ng P32.8 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Isa lang ang nakakuha ng mga lumabas na numerong 24-18-33-45-09-16 sa bola Biyernes ng gabi. Ang nanalo ay tumaya sa bayan ng San Pablo.

Nakakahalaga ng P31.233 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola. Samantala, nanalo naman ng tig-P43,370 ang 36 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.

Ang 2,273 naman na naka-apat na numero ay nanalo ng tig-P540 samantalang tig-P20 ang 38,562 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes Miyerkules at Biyernes. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

 

Read more...