Mag-utol na wanted

NASAKOTE ng pulisya ang magkapatid na pareho umanong wanted sa Quezon City kahapon.

Nahuli ng Novaliches Police sina Allan Ibañes, 29, at Von Kevin Ibañes, 27, ng Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Sila ang number 9 at 10 most wanted person ng Novaliches Police.

Nahaharap ang dalawa sa kasong Serious Physical Injuries.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ludmila De Pio Lim ng Metropolitan Trial Court Branch 34 ng Quezon City.

Nahuli sila ala-1:15 ng hapon sa kanilang bahay sa Whiteduck St. Rainbow Homes 1, Brgy. San Bartolome.

Read more...