Eugene na-shock sa regalo ni Marian; Gladys may pa-online acting workshop

“MARIAN Rivera, you are the most gracious and the sweetest!”

Yan ang ibinanderang mensahe ng award-winning actress na si Eugene Domingo sa publiko para sa nag-iisang Kapuso Primetime Queen.

Nakatanggap kasi ng napakagandang regalo ang TV host-comedienne mula kay Marian na talagang hindi niya inaasahan.

Ipinost ni Uge sa kanyang Instagram account ang inorder na bulaklak mula sa business ni Marian na Flora Vida at hindi niya inaasahang may kasama pala itong bonus na regalo.

Aminado si Uge na bukod sa order ay marami pa siyang napupusuang bulaklak mula sa collections ni Marian.

Kaya naman laking gulat at tuwa niya nang dumating na sa kanyang bahay ang inorder na bulaklak.

Aniya sa caption ng kanyang IG post, “OMG. Marian sent me the one I wanted to buy — the Gypsophila but I was budgeting myself.”

Dahil dito, pinuri nga ng “Dear Uge” lead star ang misis ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, “@marianrivera, you are the most gracious and the sweetest. God bless you more, my dear.”

                         * * *

Mag-o-organisa ng online acting workshop ang Kapuso actress na si Gladys Reyes. 

Plano niyang magbahagi ng acting tips at magturo ng skills sa pag-arte sa mga nangangarap na maging kontrabida tulad niya.

 Pagbabahagi ng aktres sa kanyang Instagram post, “Maraming nagtatanong sa akin, paano raw maging kontrabida na ‘di kailangang maging masama sa totoong buhay para lang magampanan ng makatotohanan. Bata pa ako, ito na ang gusto ko…umarte!”

 

Matatandaang nagsimula ang career ni Gladys bilang runner-up sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noong 1984. Kwento pa niya, “My first screen test was Baby Tsina as Ms. Vilma Santos’s daughter. 

“I had my first acting workshop under the multi-awarded director, the late Direk Marilou-Diaz Abaya. ‘Di ako nagmamarunong, I just want to share what I have learned in my 36 years in the business,” aniya pa.

Para sa detalye tungkol sa kanyang workshop, bisitahin lamang ang Instagram account ni Gladys.

Read more...