HINDI ang pagiging senior citizen ni Ms. Susan Roces kung bakit pansamantala munang hindi siya makakasamang mag-taping ng kanyang mga co-stars sa FPJ’s Ang Probinsyano.
As already in the news, nagbalik-trabaho na ang major cast ng nasabing teleserye nitong Lunes (June 15), however, kinailangan nilang tumalima sa mga alituntunin para na rin sa kanilang kaligtasan.
Isang buong buwang naka-lock in ang cast and crew sa isang private resort sa Batangas para tapusin ang lahat ng mga eksenang dapat nilang tapusin.
Balitang sa sistemang ito hindi kumportable si Ms. Roces. Mukhang hindi pumayag ang veteran actress-movie queen na ma-lock in sa isang lugar sa loob ng mahigit isang buwan.
Samantala, balita ring hanggang September na lang ang longest-running action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin.
It will have turned six years old by then.
A few days ago, sumailalim muna sa COVID-19 rapid test ang lahat ng cast members and production staff ng Ang Probinsyano.
Ito’y bilang pagsunod na rin sa GCQ (general community quarantine) guidelines sa Metro Manila at sa safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para sa balik-taping at shooting ng mga TV show at pelikula.
Bukod kay Coco na nagsisilbi ring creative consultant at direktor ng serye, nagpa-COVID test din sina Shaina Magdayao, Raymart Santiago, John Prats at Michael de Mesa.