ALAM n’yo bang muntik nang hindi makapagmartsa si Alex Gonzaga sa kanilang high school graduation ilang taon na ang nakararaan?
Mismong ang TV host-vlogger-actress ang nagkuwento nito sa isa niyang Instagram post para sa lahat ng mga estudyanteng nalungkot dahil wala silang graduation march this school year.
Binalikan ni Alex ang kanyang high school days, partikular na yung panahong malapit na ang kanilang graduation sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Very proud na ibinahagi ng sister ni Toni Gonzaga ang kanyang graduation photo na may caption na: “Dear Class of 2020, this was my high school graduation 16 years ago.
“Isa ako sa ‘mythical 5’ kung saan nagkaroon ng debate ang mga teachers and sisters for a month kung kami ay papayagan mag march sa graduation,” pahayag pa ni Alex.
Narito naman ang paliwanag niya kung bakit muntik na siyang hindi isali sa graduation ceremony, “Ang reason sa ‘kin lagi ko daw kasi inaasar ang Filipino teacher namin during class.
“Sa 1 month deliberation nila while my batchmates were practicing for our grad, we were left in the classroom.
“Super nag-volunteer kami na mag-help and assist sa lahat ng teachers.
“Thank you Lord 3 days before our graduation day, our principal called us and gave us the good news na yes pwede na kami mag-march,” aniya pa.
Mensahe naman niya sa lahat ng mga estudyante, “Ang lesson, it’s never too late to show you deserve to march in your graduation.. may chance ka pa ipasa lahat ng kulang mo para makuha diploma, kaya mo yan!”