Agrikultura palakasin para sa pagkain, trabahong malilikha

MAAARI umanong gamitin ang oportunidad na dala ng coronavirus disease 2019 upang mapalakas ang agricultural sector ng bansa at makatulong ito sa muling pagpapalakas ng ekonomiya.

Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang lahat ay kailangan upang mapabilis ang pagbawi ng ekonomiya na bumagsak dahil sa epekto ng COVID-19.

“The COVID-19 crisis has emphasized the importance of having a stable food supply, that’s why the government has to devote major resources to improving agriculture and farming,” ani Herrera.

Sinabi ni Herrera na sa pagpapalakas ng agrikultura ay hindi lang napatatatag ang seguridad ng pagkain kundi nakalilikha rin ito ng trabaho at pangkabuhayan ng maraming Filipino.

“On a commercial level, agriculture has a strong employment multiplier and this will assist in alleviating poverty and even the establishment of new businesses and investment.”

Marami umanong magsasaka ang naapektuhan ng COVID-19 dahil sa pagsasara ng mga eskuwelahan, restaurant at hotel.

Maaari rin umanong tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka upang magamit nito ang online platform sa pagbebenta ng kanilang mga ani.

“COVID-19 is a challenge for all of us, but it can also be an opportunity for some like our hardworking farmers,” saad ng lady solon.

Ayon kay Herrera bumaba ang kontribusyon ng agrikultura sa Gross Domestic Product. Mula 13-14 porsyento kada taon mula 1998 hanggang 2009, bumaba ito sa 10 porsyento noong 2017.

Read more...