Bwelta ni Chito sa basher ni Sen. Kiko: Wag ka naman kups, parekoy

 

PINAGALITAN ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang  isa niyang “fan” matapos pagsalitaan ng masama si Sen. Kiko Pangilinan.

Ni-repost ng senador sa kanyang Instagram account ang screenshot ng hate message ng nagpakilalang fan ni Chito.

Sabi ng netizen, “Pakamatay kn kiko ng matapos na problema mo sa governo isama mo n yung anak mong c frankie,” na ang tinutukoy ay ang panganay na anak nila ni Sharon Cuneta na matapang na nagpapahayag ng saloobin tungkol sa ilang controversial issues.

Sagot naman ni Kiko sa kanyang basher, “I re-report ikaw at ang account mo for hate speech.

“Bawal yan. Magingat sa mga iligal na post sa social media. Fyi.”

Ito naman ang caption niya sa kanyang IG post, “Hetong hate speech na ito dapat nire-report.

“Hindi dapat hinahayaan ang mga bitiw na salita na naguudyok ng pananakit o pagpapatay. Instagram kumilos kayo.”

Nang mabasa ni Chito ang post ng senador, agad siyang nag-comment ng, “Grabe! [surprised face emoji] report natin kuya.”

Pinagsabihan din niya ang kanyang fan sa ginawa nito kay Sen. Kiko, “

 We all want what’s best para sa Pinas.

“Oks lang mag-disagree kay Sen Kiko kung di ka sang-ayon sa mga ginagawa nya para sa Pinas.

“Pero isipin muna natin yung mga sinasabi natin…sinasabi mo pakamatay na sila ng anak nya?

“Tama ba? May lugar ba yun ganung pag-iisip sa mundo natin kung ang nais mo lang din naman ay pagandahin ang Pinas?”

Nagpasalamat naman ang asawa ni Mega kay Chito sa ginawang pagtatanggol sa kanya.

Kasabay nito, nag-sorry din ang netizen sa senador at nagpasalamat kay Chito dahil napansin siya nito.

Hirit naman ng OPM artist sa kanya, “Kung may gusto ka ipaglaban, ipakita mo na matino kang tao…para mas pakinggan ka. Peace, parekoy.”

Read more...