Aicelle Santos 3 buwang buntis sa 1st baby nila ni Mark Zambrano

BUNTIS na ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa first baby nila ni Mark Zambrano.

Ito ang ibinanderang good news ng mag-asawa sa kanilang mga kaibigan at followers sa social media sa pamamagitan ng Instagram.

Nag-post si Aicelle ng mga litrato sa IG showing her growing baby bump at ibinalitang more than three months na ang baby sa kanyang tummy.

Sa isang photo ay makikita naman ang expectant daddy na si Mark na nakaluhod habang hinahalikan ang maumbok na tiyan ng asawa.

Caption ng Kapuso singer sa kanyang IG photos, “You are our hope, that this world will become better. 

“We can’t wait to meet you, anak. Your father and I love you so much. Chill ka muna diyan sa loob ha.

“Panginoon, maraming, maraming salamat. Kayo na po ang bahala. #amazinggrace #babyontheway,” mensahe pa ni Aicelle.

Isa si Aicelle sa mga celebrities na nag-announce ng pregnancy ngayong panahon ng COVID-19 crisis. Kamakailan, ibinalita rin ng Kapuso actress na si Sheena Halili na magiging mommy na rin siya very soon.

Kung matatandaan, nagpalitan ng “I do” sina Aicelle at Mark sa kanilang  garden wedding sa Batangas noong November, 2019.

 

Read more...