PIOLO kay SHAINA: Lagi na siyang nasa puso ko, ideal girl ko siya!!!

Gaya ni Judy Ann Santos, ibang level na rin ang nais gawin ni Piolo Pascual as an actor-producer. Sa pelikula nilang “On The Job”, kakaibang papel ang ipinagmalaki sa amin ni Papa P dahil hindi lang daw siya basta pulis rito, “May malalim siyang pinaghuhugutan.

Mahirap gawin, pero nakaka-excite dahil alam mong may mga ganu’n talagang  klaseng pulis,” pahayag ni Piolo. Ito nga ‘yung Erik Matti film na rumampa sa Cannes Film Festival kamakailan at nabigyan ng standing ovation dahil sa makatotohanan nitong paglalahad ng kuwento tungkol sa mga alagad ng batas at mga preso.

Bida rin dito sina Gerald Anderson, Joel Torre, Joey Marquez, kasama rin sina Angel Aquino, Leo Martinez, Shaina Magdayao at Rayver Cruz. Star Cinema ang magri-realease nito showing on Aug. 28.

Samantala, inamin naman ni Piolo na ideal girlfriend ang ka-loveteam niya sa movie na si Shaina, “She will always have a special place in my heart because she’s a true lady.

Napakabait niyang tao. Kung sinuman ang makatuluyan niya, masuwerteng tao.” “Shaina as a person is very faithful, loyal at saka mabait na tao, very traditional,” ayon pa kay Papa P.

( Photo credit to Google )

Read more...